nothing sensible to share. gusto ko lang talaga ma…nothing sensible to share. gusto ko lang talaga magtype, although inaantok na ko.
nag exam kami kanina. as usual, di na nman ako nagaral kagabi. whats new. i believe in the powers of cramming. i know its bad and i know it doesnt serve me well, pero ano magagawa ko, last resort eh. kahit may buong araw ako para magaral, hindi talaga papasok sa utak ko yung lessons pag di pa 1 hour before the exam. dont ask me why, ganun lang talaga. maybe its because pag nagaral ako the night before, may tendency akong makalimutan ang lahat na pinagaralan ko, lalo na pag objective. okay lang sana kung essay type yung exams kasi pwede pako magisip at magpalusot, pero pag objective, nagmemental block ako. i have such bad memory when it comes to school related information. i know cramming is a bad study habit but this is what keeps me kicking in college.
—————
i have this friend who was paired up with a classmate for our paperwork requirements in NCM. lately, ‘friend’ has been complaining that ‘classmate’ is so bossy. ok, bossy is not the exact word, sabi niya, “napakadominante niya”. ‘classmate’ asks ‘friend’ suggestions about thier paperworks, but in the end, it’s ‘classmates’s’ ideas that gets implemented. so lumalabas, parang walang silbi si ‘friend’. lumalabas tuloy, parang useless at irrelevant ang mga suggestions at ideas ni ‘friend’. di rin makareklamo si ‘friend’ kasi baka daw magoverreact si ‘classmate’. earlier tonight, ‘friend’ and i were talking about a requirement that was due this wednesday. i told her that partner and i havnt started making our paper pa. ‘friend’ told me that theyve started making half of their paper na. ‘friend’ told me that ‘classmate’ wanted to finish the paper tonight but ‘friend’ is too tired to do it tonight kasi kagagaling pa lang namin sa exam and ‘friend’ has been very stressed lately due to the additional errands that the student government is assigning her. gusto sana ni ‘friend’ magpahinga muna tonight, abyway, wednesday pa naman ang deadline and besides, natapos na nila ang kalahati. so ‘friend’ was telling me that she was gonna tell ‘classmate’ na di muna sila magtatrabaho tonight. after a few minutes, ‘classmate’ arrives and talks to ‘friend’ about their paper. as usual, ‘classmate’ TELLS ‘friend’ that they should meet tonight para matapos na nila ang other half. and all ‘friend’ could say was “o sige…..” ako naman, pilit pinipigilan ang pagtawa. bakit kasi di makapagsalita si ‘friend’ pag si ‘classmate’ na ang kaharap? i must admit, medyo may pagkadominante nga si ‘classmate’ at minsan, parang bossy nga ang dating niya. pero sana naman, hindi nagpapaapi si ‘friend’ noh, pareho din silang students. at sana naman, maging sensitive si ‘classmate’. maybe i’ll tell ‘classmate’ about that one of these days, pag napuno ako. hihi. anyway, nung pauwi ako, hiniram ko yung fone ni friend at tinext ang “bakit di mo masabing ‘tomorrow nalang’?” binalik ko sa kanya yung fone at umalis ako. when i was on my way home, nagtext si ‘friend’ at sinabing takot lang daw siyang magoverreact si ‘classmate’. hahay..kawawang ‘friend’…
—–
nga pala, i was invited to join the Art Committee for the Creative Pool sa department namin. nax. napakaflattering. si mark, ang chairman ng comittee at classmate ko, ang nag invite sakin. we were canvasing latex paints for the art therapy of our mental patients when he suddenly remembered that his committee lacked members. parang bigla nalang niyang sinabing ‘uy, join ka sa committee ko”. although napakainformal ng invitation, flattered pa rin ako. biruin mo, si mark, ang dakilang painter, ininvite ako. eh hindi naman ako artist, wala nga akong maipagmamalaking artwork eh. akala lang niya siguro artist ako kasi napansin niya yung handpainted t-shirt kong sinuot nung first day of classes. eh hello? parang straight lines lang yun noh. kahit grade school yata kayang gawin yun. kaso, naintriga siya dun kasi di niya akalaing pwede palang gamitin manually ang silk screen paints. dont get me wrong, hindi naman ignorante si mark, its just that he’s more inclined to canvas painting than fabric painting. tipong pang masterpeice kasi yung trip niya. ako naman, pang mga-taong-walang-magawa ang hirit ko. kung anu-ano napagtitripan. minsan poster paints, minsan pastels at ngayon naman, fabric paints. pero niisa, wala akong maipagmamalaki kasi lahat trial n error pa lang. pagnasubukan ko na, parang nawawalan nako ng ganang ulitin. apathetic me.
anyway, excited na sana akong sumali, binigyan na niya ko ng student’s form para sa member’s file nila. fifill-upan ko na sana nung sinabi niyang nagpaplano siyang magtayo ng exhibit next month at yung mga art wroks ng members yung ididisplay niya. bigla akong nag “WHAAAATTT???” sabi niya, di naman talaga kailangang formal ang art works, kahit sketches or mga drafts lang daw, ok lang. kahita ano daw basta gawa namin ok na. tapos sinabi pa nung isang member niya na may nagawa daw siyang stained glass na art work. tatlo. tas dinescribe niya kung pano ginawa yubng stained glass. habang nagsasalita siya, feel ko parang lumiliit ako. naisip ko tuloy, di ako bagay sa grupong ito. ano ba mapapala nila sakin? wala! ano ba maitutulong ko sa kanila? wala! kaya tuloy, hanggang ngayon, di ko pa nafifill-upan yung member’s profile ko. nagdadalawang isip pa ko kung willing ba talaga akong magpakapal ng mukha at sumali sa Art Committee kahit wala naman talaga akong talent sa art.
i am in a very very serious dilemma. earlier this …i am in a very very serious dilemma. earlier this evening, i finally told my dad that im planning to buy a new fone. buti nanlang he was in such a good mood at pumayag naman siya. nabigla siya sa *news* ko but i guess narealize rin naman niya na medyo matagal-tagal na rin akong nka3650 and its about time na palitan na rin to. hehe besides, ive been a gud student rin naman, as atested by my adviser this morning during the parent’s meeting this morning. (oo, ganyan ang college namin. parang elementary na may PTA meeting. imagine parents having a one on one conference with the adviser about the student’s performance. ganun kami. parang mga bata.)anyway, nung narealize niyang seryoso talaga ako sa sinasabi ko, pumayag na rin siya. he asked me kung anong fone bibilhin ko and a couple more questions about it. then, he asked me kung bakit di nalang daw PDA ang bilhin ko? marami na rin naman daw ang gumagamit nun sa skul. oo nga noh, pwede rin kaso 20thou lang budget ko. if bibili ako ng PDA na mura, baka di rin maganda ang performance. so medyo di ko na kinoconsider yun as of now. but my options are still open, baka mag iba isip ko in da future.
set na sana yung mind ko kanina bout 3230, kaso, whe i showed him the latest issue of T3 magazine kung saan nkafeature yung 3230, nakita rin namin yung 6260. he told me na mas smart daw tingnan yung flip phones. sabi ko nman, yun talaga sana plano kong bilhin kaso ayaw pumayag ni mommy kasi madali raw masira yung may hinges. sabi niya naman, “madali ka naman magsawa e. by the time masira yan, nagsawa ka na for sure.” may point rin siya.
kaya ngayon, nalilito na tuloy ako. before lumabas yung 3230, 6260 talaga dream phone ko kaso, ayaw ni mommy kasi di raw durable. kaya nung lumabas ang 3230 at nung nalaman kong medyo pareho sila ng features ng 6260, pwera nlang sa resolution, ito na yung naging bagong dream phone ko. pero kanina, nung sinabi ng dad ko na ok lang bumili nung 6260, parang torn between two lovers ako.
dami ko kasing nababasang negative comments tungkol dito sa 3230. may beeping sound daw pagnkasilent, yung keypad daw mahirap gamitin, wala daw cd kasama and worst, ang sama daw ng sound quality! eh main concern ko pa naman ang sound quality kasi mp3 at radio talaga ang habol ko sa phone eh. so parang nadidiscourage tuloy ako as fone nito. pero infairness, smart din tingnan yung 3230. at isa pa palang problema dito is hindi siya pwedeng palitan ng case. so pagnascratch siya, magiging ganun na talaga siya forever. although yung 6260 ganun din, atleast nakatago yung mainscreen nya kaya yung outer casing lang ang prone to scratches.
sa 6260 naman, wala akong masyadong naririnig na negative comments except nga na madali daw siyang masira kasi flip phone. pero lahat naman nung nagsabi, walang first hand experience. mga theories lang nila kasi nga may hinge kaya pag laging ginagamit, baka lumuwang yung hinge at masira yung phone. ganun iniisip nila. sa bagay, may point din naman sila pero baka hindi naman talaga ganun kafragile yung fone. so far, wala pa nman akong nakikilalang nasiraan ng 6260.
ang concern ko din is 3G kasi yung 3230, 3rd generation, so more advanced yung features kaya medyo nagdadalawang isip din ako dito sa 6260.
natatakot lang ako na baka magsisi ako sa bibilhin kong phone. i have 1 more week to decide and i still have no idea kung ano talaga gusto ko.
hahay…ang hirap pumili. nawawalan tuloy ako ng ganang bumili. hekhek. 








