duty duty duty
Friday, July 15, 2005 ♥ 9:04 am
Filed Under: Uncategorized
$0

psychiatric ward is so fun.

eversince i set foot on that mental institution 3 years ago, i never stopped looking forward to the time when i’d finally get the chance to go on duty there. when i was in my freshman year, we had an excursion in our psychology class. what i saw there made me grateful ang fearful at the same time. grateful that i was blessed with good genes and sane mind. fearful because we’d never know when sanity would leave me. i might be born with a defective recessive gene and when i wake up tomorrow, something might trigger that defect and the next thing i know, i’d be seeing unicorns flying and mermaids swimming in my cup of coffee. yes, it does happen. and it can happen to anyone.

so now, 4th year nako, dun na kami sa psych ward magduduty. nung orientation day, di ako sigurado pero may kutob akong ako yung pinakaexcited saming lahat. yung iba kasi, medyo apprehensive pa kasi nga madali silang natataranta. ako naman, di na makahintay kasi gusto ko na ulit makabisita dun. medyo mahirap din kasing pumunta dun pag hindi school-related activity kasi malayo siya from the city. anyway, when we got there, the place looked pretty much the same. ganun pa rin yung set-up. may isolation A para sa mga worst cases, may isolation B para sa mga moderate cases, at may isolation C sa mga bagong dating at yung medyo tolerable lang. may male at female ward rin para sa mga malapit ng gumaling o para sa mga hindi malala ang sakit. i will show you pics of my experience pag natransfer ko na sa pc.

so yun, iba’t ibang klase ang makikita mo dun. may iba dun na tahimik lang, parang depressed. may iba rin na tahimik, pero nakititig lagi sayo, parang may iniisip na gawin sayo, pero di naman sila nanggagalaw, so ok lang. may iba din na normal magsalita pero medyo far out yung sinasabi. yung iba, tawa lang ng tawa, yung iba nagsasalita ng mag isa. yung iba naman, inuulit lang lahat ng sinasabi mo.

interesting talaga silang kausap. di ka mageexpect na ganun ang mga sagot nila. tulad nung last week, we were talking with one patient, medyo matino yung mga sagot niya at first so kala namin ok na siya. he mentioned na teacher siya ng gymnastics. so kala namin yung gymnastics talaga. but then he mentioned na kasali siya sa isang special kung fu org na may 12 disciples. tapos tinuruan daw sila nung ibat ibang walks. duck walk, spider walk, cat walk at elephant walk. tapos may tumbling then fly daw. im not making fun of these people. im just amazed at how their minds work. yung patient naman namin, aware naman siya na may diperensya siya. he said, “baliw ako, kaya iba ang energy ko.”



naisip ko lang
Wednesday, July 13, 2005 ♥ 10:00 pm
Filed Under: Uncategorized
$0

recently, a friend commented na masyado raw akong dedma na tao. di daw ako naaapektohan sa mga problema. di ko raw dinidibdib ang mga problema ko kahit gano raw kalaki. pag pinagalitan daw ako, di ko daw dinidibdib. yung friend ko kasi, konting problema lang, nababahala agad. konting sermon lang, umiiyak agad. bakit daw di ako ganun?

di nya lang alam.

this morning, tungkol sa stress and anxiety yung lecture namin. kasama dun ang different coping mechanisms. dun ko narealize na suppressive pala akong tao. people have told me about this in the past but i never took it seriously. i was either unconvinced or was just plain in denial. but today, it struck me. SUPPRESSIVE would be the perfect adjective for me. kaya pala hindi nakikita ng mga tao na problemado ako. kaya pala inaakala nilang happy-go-lucky ako. kaya palahindi pa nila ako nakikitang galit na galit o lungkot na lungkot o umiiyak. kaya pala hindi nila ako nakikitang umiiyak.

di ko alam kung kelan nagsimula ang pagkasuppressive ko. as far as i could remember, ive been like this since i was young. pag may problema ako, mas gusto kong manahimik at ayusin yun ng magisa. di kasi ako komportable kung may ibang taong nakakaalam sa problema ko. ayoko kasing makaabala ng iba. kung poproblemahin pa nila pati problema ko, e di mas dadami na problema nila. e hindi naman nila kagagawan yun, so bakit kailangan nilang magsuffer? di ba? pag nalulungkot din ako, di ko rin pinapaalam sa iba. baka kasi isipin nila na mababaw akong tao. paranoid na kung paranoid pero ganun talaga ako. hanggang ngayon. sa mata ng mga tao, manhid ako. di ako naapektohan sa mga simpleng bagay. ang di nila alam, mababaw ako. ang dali kong madepressed. di ko lang pinapakita kasi ayoko ng gulo. pag pinapagalitan naman ako, di ko to masyadong iniisip. lalo na kung hindi naman talaga totoo ang ikinagagalit nila. bat ko poproblemahin e hindi naman totoo? basta’t alam kong wala akong ginawang masama, binabaliwala ko nalang minsan yang mga sermon na yan. pero kung may kasalanan talaga ako, pinagiisipan ko rin. may konsensya rin ako noh.

tata!



Page 55 of 60« First...«5354555657»...Last »


Miss dark pink












    Typo


    mathematiques

    Users: 4 Guests


    1 User Browsing This Page.
    Users: 1 Guest


    Hits today: 7
    Total Hits: 59274
    Since December 10, 2007


    Posts: 125
    Comments: 364
    Categories:
    Last Post: They said...
    Last Commentator: manilenya
    Last Modified: February 28, 2010 @ 12:37 am (GMT 12)

    View Full WP Stats


    said & done

  • manilenya: of course hehehehe :)
    -----------------------------
  • Lica: Melai! You're alive! And so am i :D
    -----------------------------
  • manilenya: anong lunch?
    -----------------------------
  • Sandra: ate liceaaaaa! \:D/ imyy!
    -----------------------------
  • martie: is it still available?
    -----------------------------
  • Join the club






  • Register
  • xoxo


    Women's Car Insurance





    DarkPink.net © 2008. Powered by Wordpress. Thankyouyabadabadoo!